Nakatakdang i-welcome online ng SM Foundation Inc. Sa pamamagitan ng scholarship program nito ang mahigit tatlong daang bagong iskolar para sa school year 2022-2023 sa Agosto 27.
Sa nasabing bilang, 40% rito ay mula sa National Capital Region (NCR) habang ang 60% ay galing sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.
Live na mapapanuod ang virtual gathering sa facebook na lalahukan ng mga opisyal ng SM Foundation, SM Scholar Alumnus, at New SM scholars na magbibigay rin ng kanilang mga mensahe.
Ang SM Foundation Scholarship Program ay naglalayon na mabawasan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship grants sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante.
Umabot naman sa mahigit 8k mag-aaral sa kolehiyo at tech-voc scholar ang napagtapos ng nasabing scholarship program.
Ang programa ay inuugnay sa paniniwala ng yumaong founder ng SM Group na si Henry Sy Sr. Na ang edukasyon ang tutulong para makaahon sa kahirapan.
Nagbibigay-daan din ang nasabing programa sa SM na makapagbigay ng kontribusyon sa United Nations Sustainable Development Goals (SDG) sa pamamagitan ng pagbubukas ng patas na mga oportunidad at de-kalidad na edukasyon para sa mga kabataan.
Saklaw naman ng SM Foundation Scholarship Program ang mga sumusunod na larangan sa pag-aaral:
- Computer Science
- Information Technology
- Engineering (Civil, Electrical, Mechanical, Computer and Electronics)
- Education (Elementary and Secondary)
- Accountancy, at Financial Management