Aabot na sa 322 establisyimento o negosyo na ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue sa buong bansa bilang bahagi ng ‘Oplan Kandado’ program.
Ayon sa BIR, karaniwang dahilan ay ang kawalan ng rehistro o hindi pagbibigay ng resibo o invoice sa mga customer.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang pagbabantay sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis na labis na naka-aapekto sa pondo ng gobyerno na magagamit pa sana sa iba’t-ibang proyekto.
Nilinaw naman ni BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa na karamihan sa mga ipinasarang establisyimento ay pinayagan na rin namang mag-operate matapos na magbayad ng deficiency taxes na aabot sa mahigit P1.8 billion.
Sa ilalim ng tax code, pinapayagan ang BIR na magsuspinde o magpasara ng operasyon ng limang araw o higit pa hanggang maayos na ng isang negosyo ang kanilang utang.–Sa panulat ni Drew Nacino