Arestado ang mahigit 300 mga Chinese national na illegal na nagtatrabaho sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Quezon City.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), bagama’t lisensiyado ang POGO kung saan nagtatrabaho ang mga naarestong Chinese workers, illegal naman ang kanilang pagtatrabaho sa bansa.
Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang PNP na kinansela ng pamahalaan ng China ang pasaporte ng mga nabanggit na Chinese dahil sa pagkakasangkot sa investment scam at iba pang mga cyber related crimes sa kanilang bansa.
Kasalukuyan namang nasa police headquaters sa Kamp Karingal ang mga naarestong Chinese habang dinidinig ang deportation case laban sa mga ito.