Mahigit 300 construction workers ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Taguig City.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod, isinailalim sa COVID-19 test ang nasa 691 na constructions workers sa isang constructions site sa Fort Bonifacio.
Mula sa naturang bilang, 327 dito ang nagpositibo sa virus.
Samantala, nasa 111 katao rin umano ang nagpositibo sa COVID-19 mula naman sa Lower Bicutan nang magsagawa ng test sa 2,104 na katao sa Purok 5 at Purok 6.
Kaagad namang dinala ang mga naturang pasyente sa mga isolation facilities ng pamahalaan upang doon obserbahan.
STATEMENT OF TAGUIG CITY MAYOR LINO CAYETANO
, , pic.twitter.com/51Wogh5jqO
— I Love Taguig (@IloveTaguig1) July 9, 2020
Kasunod nito ay ang panawagan ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa kanilang mga residente na makiisa sa kanilang mga ginagawang habang upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.