Karagdagang 333 distressed Overseas Filipinos ang dumating mula Kuwait.
Ini-repatriate ang mga nasabing Pinoy sa pamamagitan ng chartered flight ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Kabilang sa mga dumating ay apat na sanggol at dalawang medical repatriates, maging ang mga manggagawang inabuso ng mga kanilang mga employer.
Ito, ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, ang ikalimang repatriation flight ng DFA mula Kuwait.
Patuloy anya ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa mga foreign service post sa iba’t-ibang panig ng mundo at nakahandang sumaklolo sa lahat ng distressed OFW.