Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nasa 304 na eskwelahan ang kwalipikado para sa pagsisimula ng face-to-face classes sa ilalim ng expansion phase.
Ayon sa DepEd, ang mga nasabing eskwelahan ay mula sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 2 kabilang na dito ang mga paaralan sa National Capital Region (NCR), Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, at Southern Leyte.
Base sa datos ng DepEd 6,347 na mga paaralan ay itinuturing na “handa” para sa limitadong face-to-face classes habang ang iba pang Rehiyon at Dibisyon sa labas na nasa ilalim na ng Alert level 2 ay nagpapatuloy din sa kanilang paghahanda para sa mas pinalawak na yugto ng face-to-face classes.
Samantala, hindi naman papayagan sa mas pinalawak na face-to-face classes ang natitirang 6, 043 na paaralan na matatagpuan sa mga lugar sa ilalim ng Alert level 3. —sa panulat ni Angelica Doctolero