Pinapurihan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagkakabawi ng may 363 mga armas mula sa mga pasaway nilang kabaro.
Batay sa ulat ni NCRPO Director P/MGen. Vicente Danao Jr, ang mga nabawing armas sa mga nasibak at naaresto nilang mga kabaro mula Pebrero a-17 ng 2021 hanggang Pebrero a-1 ng taong kasalukuyan.
Dinala ang mga nabawing armas sa Office of the Regional Supply Accountable Officer ng NCRPO para sa angkop na disposition at pagdudokumento.
Ayon sa PNP Chief, pinangungunahan ng mga Regional Task Group ang Oplan Bawi operations lalo na sa mga kasmahan nilang naliligaw ng landas na nasisibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa mga iligal na aktibidad.
Patuloy aniya ang pinaigting na kampaniya ng PNP para bawiin at kumpiskahin ang mga government issued na mga armas mula sa mga pulis na natatanggal sa serbisyo upang hindi na ito magamit sa iba’t ibang krimen. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)