Halos tatlong daang motorista ang nahuli ng MMDA gamit ang kanilang no contact apprehension system
Kaugnay ito sa dalawang araw nang ipinatutupad na anti distracted driving act.
Ayon kay MMDA Chairman Tim Orbos magandang paraan ang no contact apprehension system nila para hindi na mag traffic kung manghuhuli ng aktuwal bukod sa magpapaliwanagan pa sila at mga pasaway na motorista.
Sinabi pa ni Orbos na karamihan sa mga nahuhuli nila ay mga naka motorsiklo.
By: Judith Larino