Mahigit sa 300 OFW’s ang napauwi ngayon sa kani-kanilang probinsya, tatlong araw lamang matapos lumabas ang kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ngayon lamang nangyari na sa loob lang ng tatlong araw ay nakapagpauwi sila ng OFW’s.
Sisikapin aniya nila na maging standard ito sa mga darating pang OFW’s sa bansa.
Matatandaan na halos dalawang buwan na inabot sa quarantine facilities ang mahigit sa 40,000 OFW’s dahil sa bagal ng paglabas ng kanilang certificate mula sa bureau of quarantine.