Nasa 350 pamilya ang inilikas sa Bulacan dahil sa walang patid na pag-ulang dala ng habagat na pinaigting ng bagyong Helen.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasa kabuuang 1559 katao ang kasalukuyang nasa evacuation center.
Sa Meycauayan, nasa 77 pamilya ang naapektuhan ng flashflood habang 200 pamilya naman sa Marilao.
Samantala, marami ring mga commuter ang naistranded mula SM Marilao patungong Meycauayan at SM Marilao patungong Bocaue.
By Ralph Obina