Apektado na ang mahigit 300 mga Pilipino sa nagpapatuloy na bushfire sa Australia.
Ayon kay Consul General Aian Caringal ng Philippine Embassy in Canberra, ang naturang mga Pilipino ay inilikas na para sa kanilang kaligtasan.
Habang lima sa mga ito ang nawalan na ng tahanan matapos na madamay sa sunog.
Samantala, pinayuhan ang mga Pilipino na ugaling mag-monitor sa paligid, magtungo sa ligtas na lugar at maging maingat sa pag ba byahe sa gitna ng usok.
Nagpahayag naman ang embahada ng kahandaan na tulungan ang mga OFW doon sakaling naisin nila mag pa-repatriate dahil sa kalamidad.
Tinatayang nasa 300 mga Pilipino ang nasa Australia, kung saan 75,000 lamang sa mga ito ay mga OFW at mga estudyante habang ang karamihan ay mga permanent migrant.