Mahigit tatlundaang water tanks at pumps ang inilagay ng Department of Public Works and Highways sa mga resettlement sites para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.
Ayon kay DWPH secretary Mark Villar, animnapu’t pitong units ng 5 cubic-meter at pitumpung ng 2-cubic-meter stainless water tanks ang inilagay sa Tacloban north resettlement site sa barangay Sto. Niño.
Bukod dito, nagbigay din ang kagawaran ng apat na 10-wheeler dump trucks, limang six-wheeler dump trucks at dalawang water tank trucks.
Layunin nito na makapagbigay ng malinis na supply ng tubig sa tinatayang tatlong libong pamilyang naapektuhan ng bagyo.
By Drew Nacino