Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa mahigit 3000 bagong abogadong pumasa sa 2016 bar examinations.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hangad niyang pumasok sa gobyerno ang mga bagong abogado para tumulong sa pagpapaunlad ng bansa at maging bahagi ng mapagkakatiwalaang gobyerno.
Kailangan anya ng pamahalaan ang mga batang abogado na may ideyalismo, integridad at husay para sa isang progresibong pamahalaan.
Sa kalalabas na resulta ng bar exam, kabuuang 3747 ang mga nakapasa sa 2016 bar exams.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping