Mahigit 3K indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers sa Batangas, sa gitna ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuan itong 3,771 katao o 1,142 pamilya.
Nasa 265 pamilya naman o 1,203 indibidwal ang lumikas sa kanilang kamag-anak o kaibigan.
Sa ngayon, paliwanag ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na patuloy ang evacuation activities para sa mga nasalanta na pinangungunahan ng mga lokal na pamahalaan.
Ang mga lgus na apektado ng pag-alburuto ay ang; Agoncillo, Balete, Cuenca, Laurel, Lemery, Talisay, San Luis, Agoncillo. – sa panulat ni Aby Malanday