Higit 3,000 migrante ang na-rescue ng Italian Coast Guard mula sa Mediterranean Sea kasunod ng pagdagsa ng mga lumilikas sa gulo at kahirapan mula sa Africa, Middle East at Asya.
Ayon sa ulat, sinasamantala ng mga human smuggler ang maayos na panahon at kalmadong karagatan para patawirin sa dagat ang mga migrante.
Isang bangkay ang nakuha kasama ng mga pumasok na migrante.
Isinakay ang mga nailigtas sa tatlong malalaking barko ng Italian Coast Guard habang nagpadala naman ng kani-kanilang barko ang Britanya at Espanya para tumulong sa operasyon.
Sa tala ng International Organization for Migration, higit 3,000 mga migrante ang nasawi o kaya naman ay nawala habang tumatawid sa naturang karagatan.
By Rianne Briones
Photo Credit: Marina Militare/Handout via REUTERS