Mahigit tatlong libong (3,000) kumpanya pa ang nananatiling hindi sumusunod sa pagbabawal sa labor-only contractualization o tinatawag din na end of contract o endo.
Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III, kabuuang 3,337 kumpanya pa ang natukoy ng ahensya na nagpapairal pa rin ng endo.
Natukoy umano ito sa isinagawang surprise inspection ng ahensya sa 54,000 kumpaniya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Tiniyak naman Bello na haharap sa kaukulang parusa ang mga kumpanyang hindi pa rin tatalima matapos nila itong pagsabihan.
Samantala, magpapatuloy pa umano ang kanilang surprise inspection kasunod na rin ng direkba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
—-