Mahigit 3000 porsyento ang itinaas ng krimen simula nang mapawalang bisa ang parusang kamatayan.
Ito ang pagbibigay-katwiran ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit kailangang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na bago inalis ang death penalty sa bansa, mayroong 189 na nasa sa death row dahil sa mga karumal-dumal na krimen.
Nang mapawalang-bisa ang capital punishment, umakyat ng 6200 ang bilang ng mga bilanggong nakagawa ng henious crimes.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping