Inaasahang mahigit tatlong libong (3,000) Syrians ang nakatakdang i-evacuate matapos ang isang pagsabog na pumatay sa mahigit isandaan at dalawampu (120) katao na karamihan ay government supporters.
Pinagbabaril ng Islamic State Group ang baluwarte ng gobyerno na kinabibilangan ng Deir el Zour City kung saan nasugatan ang dalawang (2) miyembro ng Russian media delegation na bumibisita sa lugar.
Ayon kay Rami Abdurrahman, pinuno ng Britain based Syrian Observatory for Human Rights, ang mga i-eevacuate ay mula sa Foua, Kfarya, Zabadani at Madaya.
Kabilang sa mga nasawi sa pagsabog ang halos walumpung (80) bata.
By Judith Larino
Mahigit 3000 Syrians nakatakdang ilikas matapos ang pag-atake ng ISIS was last modified: April 17th, 2017 by DWIZ 882