Natapos na ng mahigit 300,000 Sangguniang Kabataan (SK) officials ang mandatory training dalawang linggo matapos ang Barangay at SK Elections.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Eduardo Año ang serye ng SK mandatory training para sa mga bagong SK leaders sa halos 42,000 barangay ay nagsimula noong May 17 at natapos kahapon, May 25.
Sinabi ni Año na layon ng nasabing training na mabigyan ang mga bagong opisyal ng SK ng sapat na kaalaman para magampanan ang kanilang tungkulin sa kani kanilang mga barangay.
Tiwala aniya silang sa pamamagitan ng naturang training ay magkakaroon ng bagong grupo ng matino, mahusay at maaasahang SK officials na magiging susunod na lider ng bansa.
—-