Nakapagtala na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mahigit 30,000 pasahero, sa mga pantalan sa buong bansa.
Batay sa datos ng PCG hanggang kaninang umaga, kabuuan ito ng 15,764 palabas at 15,456 papasok na pasahero.
Nasa 2,367 frontline personnel ang idineploy sa labing-limang PCG District sa buong bansa.
Nakapag-inspeksiyon ang mga ito ng kabuuang 149 sasakyang-pandagat at 73 motorbancas.
Sa ngayon, naka heightened alert pa rin ang PCG sa lahat ng kanilang dsitrito, istasyon at sub-stations para sa dagsa ng pasahero ngayong tag-init.