Ibinunyag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na aabot sa 73.5% o katumbas ng 31,058 traditional jeepneys sa Metro Manila ang hindi pa consolidated sa itinakdang deadline ng public utility vehicle modernization program ng pamahalaan sa Disyembre 31.
Gayundin ang 66 ng mga jeepney mula sa CALABARZON at 63% mula sa zamboanga Peninsula.
Habang para sa kabuuang datos, 30% ng jeepney units ang hindi pa nakakasunod sa consolidation deadline.
Matatandaang nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin ang PUV consolidation.