Tinatayang nasa 36,000 katao ang nagkaroon ng close contact sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa buong bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa pamamagitan ng contact tracing efforts ng gobyerno natukoy ng mga otoridad ang 36,271 katao na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na ilan sa mga nasabing bilang ay natingnan na o napuntahan na subalit mayroon pang ilang kailangang i-trace.
Kasabay nito ipinabatid ni Vergeire na malaking tulong ang contact tracing para maispatan ang clustered cases sa Cebu at Zamboanga tulad nang nakita nila sa Muslim prayer room sa Greenhils, San Juan at sabungan sa Davao.