Papalo na sa 46,000 katao ang wala pa ring matuluyan, isang linggo matapos ang pananalasa ni Bagyong Karding.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 300,000 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo.
Sa 46,000 nasa 3,098 ang kasalukuyan pa ring nasa evacuation centers.
Habang 58,944 namang kabahayan ang napaulat na nasira dahil sa bagyo.
Samantala, tinatayang nasa mahigit tatlong bilyong piso na ang nawasak sa sektor ng agrikultura.