Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi isinasantabi ng gobyerno ang mental health concerns ng publiko.
Ito’y matapos pumalo sa 3,006 katao ang nabigyan ng mental health services mula January hanggang March 15, 2021 batay sa datos ng National Center for Mental Health (NCMH).
Lumalabas na tumaas ang bilang ng mga tumatawag para ilapit ang kanilang problema na may kaugnayan sa mental health sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa ito sa mga pangunahing tinututukan ng gobyerno lalo’t may mga suicide-related calls na.
Ani Vergeire, ngayong pandemic ay talagang tumaas ang kanilang consultation sa pamamagitan ng hotlines nakalaan para sa mga may mental health problems.