Aabot na sa 3,015 na mga Pilipino na nasa ibayong dagat ang patuloy ngayon na nilalapatan ng lunas dahil sa COVID-19.
Ayon sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), malaking bilang ng mga COVID-19 patients na ito ang mula sa Middle East at Africa, na sumirit na sa 2,326 cases.
Pumalo naman sa 328 ang mga Pinoy na kasalukuyan paring ginagamot sa Asia-Pacific Region, habang 195 sa europaat 166 sa Estados Unidos.
Base sa ulat ng DFA, umabot na sa kabuuang 10,386 na mga Pilipino ang tinamaan ng virus sa ibang bansa.