Umabot na sa mahigit 3M mga bagong botante ang naitala ng Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre a-5.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, pumalo na sa 2, 936, 979 ang mga bagong botanteng nadagdag sa voters list ng poll body sa loob lamang ng labing walong araw na voters registration.
Kabilang sa mga nagparehistro ang 1, 814, 907 na edad 15 hanggang 17;Â 936, 418 ang 18-anyos hanggang 30-anyos; habang 158, 654 naman ang 31-anyos pataas.
Dahil dito, umabot na sa 3, 900, 250 ang aplikasyong nai-proseso na ng ahensya.
Bukod pa dito, naiproseso narin ng Comelec ang aplikasyon ng mga nais i-reactivate ang kanilang rehistro, pagpapalipat sa ibang lugar o presinto, at aplikasyon mula sa Overseas voting tungo sa Local voting.