Inaasahang bubuhos ang higit tatlong milyong deboto at turista sa gaganaping Peñafrancia Festival sa Naga City sa susunod na linggo.
Ayon kay City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga, fully – booked na ang lahat ng mga hotel at inn sa buong lungsod.
Dahil dito, mas mahigpit na seguridad ang ilalaraga ng kapulisan sa naturang event.
Kabilang sa mga nakalinyang aktibidad ay ang Traslacion at ang Fluvial Procession.