Aabot sa mahigit 3 milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operations sa lungsod ng Pasig.
Kinilala ng QCPD o Quezon City Police District ang mga drug suspect na mag-live in partner sa mga alyas na Mark at alyas Patricia na nasa 28 at 18 anyos lamang.
Ikinasa ng QCPD ang operasyon sa Brgy. Manggahan sa naturang lungsod laban sa dalawa na nauna nang naaresto ng mga awtoridad sa bahagi ng Cubao, Quezon City.
Tumambad sa mga awtoridad ang nasa kalahating kilong hinihinalang shabu na batay sa Dangerous Drugs Board ay may street value na 3.4 million pesos.
Kasalukuyang hawak na ngayon ng QCPD ang dalawa at kasalukuyang mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.