Aabot sa 8.2 million na karagdagang COVID-19 vaccine doses ang dumating sa Pilipinas, kahapon.
Binubuo ang mga ito ng 4.7 million doses ng Janssen vaccines mula sa Dutch, Swedish at Austrian Government.
Nasa 1,512,000 doses ding Moderna na donasyon ng France at Spain sa pamamagitan ng Covax facility ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dakong alas-4 ng hapon.
Tinatayang dalawang milyong doses naman ng Sinovac mula sa Chinese government ang lumapag sa NAIA terminal 2 pasado ala-5 ng hapon. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)