Umabot na sa mahigit 4.8-M indibidwal o 1, 243, 635 pamilya ang apektado ng pananalasa ng bagyong Odette.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM.
Nananatili naman sa 407 ang bilang ng mga napaulat na nasawi, ngunit 76 pa lamang dito ang kumpirmado habang ang 331 naman ay patuloy na bineberipika.
Ayon pa sa datos ng ahensya, tinatayang aabot na sa mahigit 7.6 billion pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura habang nasa mahigit P17B naman ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng nagdaang bagyo.