Pumapalo na sa mahigit 4 milyon katao o katumbas ng halos 1 milyong pamilya ang bilang ng mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Batay ito sa pinakahuling datos ng NDRRMC kung saan halos 140,000 na indibiduwal o 34,000 na pamilya ang nananatili pa rin sa 670 evacuation centers.
Ayon sa NDRRMC, nagmula ang mga ito sa mahigit anim na libo at anim naraang mga apektadong barangay sa mga rehiyon Ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, NCR at CAR.
Napako naman sa 73 ang bilang ng nasawi dahil sa Bagyong Ulysses habang 69 ang nasugatan at 19 ang patuloy na nawawala.
Umaabot naman sa P8.69 bilyong ang halaga ng pinsala ng Bagyong Ulysses sa imprastraktura at P4.21 bilyong naman sa sektor ng agrikultura