Mahigit apatnapung (40) bihag ang minasaker ng mga miyembro ng Islamic State at Taliban sa Sare Pol Province, Afghanistan.
Pinagbabaril ng mga terorista ang kanilang bihag na pawang residente ng Mirza Olang area.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga biktima ay babae, bata at matatanda.
Ito na sa ngayon ang pinakamatinding pag-atake ng ISIS at Taliban sa mga sibilyan sa Afghanistan.