Mahigit apatnapu (40) ang patay sa pananambang ng Islamic militant na Boko Haram.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga nasawi ang limang miyembro ng oil exploration team, ilang sundalo at miyembro ng vigilante group.
Dahil dito, panibagong dagok na naman ito sa gobyerno ng Nigeria sa hindi masawatang insurgency sa kanilang bansa.
Matatandaang nasa mahigit 20,000 na ang napapatay habang libu-libo na ang nadudukot ng Boko Haram magmula nang ilunsad nila ang kanilang paglaban sa gobyerno noong 2009.
By Ralph Obina
*AFP Photo