Mahigit sa 40 Pilipino ang kasalukuyang nakakulong sa UAE o United Arab Emirates dahil sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs.
Ayon kay Consul General Paul Raymond Cortes, hindi naman sila nagkulang sa pagpapa alala at magbabala sa mga Pilipino sa UAE subalit tila marami ang mas pinipiling gumamit o magbenta ng illegal drugs.
Napag alamang karamihan sa mga Pilipinong may kaso ay nakakulong sa Abu Dhabi, Dubai at Northern Emirates.
Sa ilalim ng batas sa UAE, umaabot sa 25 taong pagkakulong ang karaniwang parusa sa mga napapatunayang sangkot sa illegal drugs
By: Len Aguirre