Umabot na sa mahigit 40 simbahan sa ilalim ng Archdiocese of Manila ang pansamantalang isinara sa gitna ng paglobo ng COVID-19 cases.
Inanunsyo ng Roman Catholic Archdiocese of Manila–Ministry on Health Care na ilang pari at church personnel na ang nagkasakit.
Kabilang sa mga sarado ang Saint John Bosco Parish, National Shrine of the Sacred Heart sa Makati; Santisimo Rosario Parish sa UST, Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz; Archdiocesan Shrine of Santo Niño De Tondo, National Shrine of Saint Jude Thaddeus; Saint Joseph Parish–Gagalangin; Santissima Trinidad Parish–Malate at Mary the Queen Parish sa San Juan.
Kamakailan ay naglabas ng mga alituntunin ang archdiocese sa pagpapatupad ng lockdown sa mga simbahan dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.