Mahigit 400 accounts, pages at groups ang tinanggal ng Meta sa social media platform na Facebook dahil sa paglabag ng mga ito sa community standards bago pa man ang May 9 elections.
Ayon sa Social media giant, inalis ang mga ito dahil sa pagsuway sa iba’t ibang polisiya gaya ng coordinated harm, bullying, harassment, hate speech, misinformation at karahasan.
Patuloy rin ang mga ginagawang hakbang ng meta upang masigurong transparent ang mga ads na nasa mga platform nito.
Nilinaw naman ng Meta na ang lahat ng kanilang polisiya ay nakatuon sa behavior at kung paano nakikipag-ugnayan sa platform ang mga user at hindi nakabatay sa anumang content o political inclinations.
Sinabi pa ng Meta na gagamitin nila ang Elections Operations Center upang agad na matugunan ang anumang potensyal na pang-aabuso ng mga serbisyo nito na may kinalaman sa eleksyon.