Mahigit 400 kilo ng botchang karne ng manok ang nakumpiska ng mga otoridad sa Paco Market sa Maynila.
Ayon kay Manila City Veterinary Inspection Board Chief Dr. Nick Santos, nagmula ang naturang double dead na karne sa isang hindi lisensyadong katayan sa Las Pinas City.
Nagbabala naman si Manila Mayor Isko Moreno sa mga nagtitinda ng botchang karne dahil papanagutin sila ng lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Moreno, dapat ay malinis at ligtas ang karneng ibinibenta sa mga pamilihan sa Maynila upang masiguro ang kalusugan ng publiko.