Nagbabala ang pagasa sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng katamtaman hanggang sa matinding pagbuhos ng ulan.
Ito’y ayon sa weather bureau ay bunsod ng pag-iral ng frontal system sa silangang bahagi ng bansa partikular na sa Bicol Region.
Kaugnay nito, aabot sa mahigit 450 pamilya o katumbas ng mahigit sa 1,200 indibiduwal ang inilikas.
Batay pa sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Camarines Sur, nakapagtala sila ng 55 mga pagbaha mula sa 22 bayan at dalawang lungsod.
Labing walo (18) ang naitala nilang pagguho ng lupa mula sa 10 bayan at isang lungsod sa nasabing lalawigan.