Mahigpit na binabantayan ng mga tropa ng Army’s 11th Division Reconnaissance Company at 4th Mechanized Infantry Battalion ang bayan ng Munai sa Lanao del Norte.
Ito’y kasunod ng sumiklab na bakbakan sa pagitan ng Militar at ng Dawlah Islamiyah – Maute Terrorist Group noong isang linggo.
Ayon kay Army’s 1st Infantry Division Spokespeson Capt. Mary Jepthe Mañebog, unti-unti na muling nagsisimula ng panibagong buhay ang mga nagsilikas na residente mula nang sumiklab ang bakbakan.
Nabatid na tumagal ng hanggang 3 oras ang palitan ng putok sa pagitan ng Militar at ng may hindi bababa sa 30 mga bandido subalit walang nasawi sa magkabilang panig.
Dahil dito, tiniyak ng Militar na hindi sila hihinto para tugisin at papanagutin sa kanilang ginawang pagwasak sa mga ari-arian ang mga lumusob na bandido at hinikayat din nila ang mga ito na sumuko.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol