Nakatakdang palayain ng pamahalaan ang mahigit 400 political prisoners.
Ginawa ni Government Peace Panel Chairman Silvestre Bello III ang pahayag matapos masawi ang peasant leader na si Bernabe Ocasla dahil sa cardiac arrest.
Si Ocasla na nakatakda na sanang palayain dahil sa humanitarian reasons ay binawian ng buhay habang nakaratay sa Jose Reyes Hospital.
Giit ni Bello, nakakalungkot na hindi man lamang nakalasap ng kalayaan si Ocasla bago ito pumanaw.
Ayon kay Bello, determinado ang pamahalaang Duterte na idaan sa judicial processes ang pagpapalaya sa mga political prisoners.
By Jelbert Perdez