Mahigit 400 mga suspek ang nasawi habang nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya simula June 2016 hanggang September ng kasalukuyang taon.
Batay ito sa tala ng Philippine National Police Internal Affairs Service o PNP – IAS.
Ayon kay PNP IAS Chief Inspector General Alfegar Triambulo, nagsasagawa na sila ng mas malalimang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng mga nabanggit na mga suspek.
Sinabi ni Triambulo, tatlong porsyento lamang sa nabanggit na bilang ang napatay ng mga pulis matapos manlaban o mang-agaw ng baril.
Habang 18 porsyento naman ang mga natagpuang nagpatiwakal o nagsuicide.