Tinatayang 401,000 Filipino o point 40 percent ng populasyon ng Pilipinas noong 2015 ang namumuhay bilang alipin sa makabagong panahon.
Ito’y batay sa 2016 global slavery index ng global organization na walk free foundation sa gitna ng inilabas ng American magazine na Atlantic na online story ng yumaong U.S-based Filipino Journalist na si Alex Tizon.
Kaugnay ito sa kasambahay ni Tizon na nagsilbing alipin ng kanilang pamilya sa loob ng 56 na taon.
Ayon sa Walk Free Foundation, nasa 33rd rank na ang Pilipinas kumpara sa 19th place noong 2014 mula sa 167 bansa na may pinaka-malaking populasyon ng mga inaalipin sa pamamagitan ng forced labor, commercial sexual exploitation, child soldiery o pa-aling fishing.
Tinatayang 10 milyong Filipino na nagtutungo sa ibayong dagat ang para mag-trabaho ay nagiging biktima ng human trafficking, commercial sexual exploitation at forced labor sa Asya, Europe, North America at Middle East.
By: Drew Nacino