Umabot sa mahigit 400,000 manggagawa mula sa pribadong sektor ang naregular na sa trabaho sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay batay sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula noong 2016 hanggang 2018.
Nasa kabuuang 413,940 empleyado ang naregular.
Sa bilang na nabanggit, nasa mahigit 200,000 dito ang nagbenepisyo sa voluntary regularization habang mahigit 100,000 naman ang naregular matapos inspeksyunin ang kanilang kumpanya.