Arestado ang isang babaeng matapos mahulihan ng mahigit P400K na halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.
Kinilala ang suspek na si Reichell Alvarez, 41- anyos.
Ayon kay Col. Joel villanueva, Hepe ng sa Quezon Provincial Police, pinagbentahan ni Alvarez ang kanilang undercover agent ng isang pakete ng shabu.
Narekober sa suspek ang limang plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 15.36 gramo na tinatayang nagkakahalagang P104,448.
Bukod pa ito sa nasabat na mga illegal substance na nagkakahalaga naman ng P313,344.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. —sa panulat ni Mara Valle