Nasawi dahil sa heatstroke ang mahigit 40,000 manok sa isang poultry sa Nagcarlan, Laguna.
Ayon sa agriculture officer ng Nagcarlan nawalan ng kuryente sa Barangay Maravilla ng mahigit apat na oras kayat hindi kinaya ng mga manok ang sobrang init sa loob ng kulungan.
Tiniyak ng barangay officials na hindi peste o anumang sakit ang ikinamatay ng mga naturang manok.
Tinatayang nasa mahigit P3-M ang lugi ng may ari ng poultry sa naturang insidente.