Pumapalo na sa mahigit 40,000 pasyente ang nabigyan ng ayuda ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office bilang bahagi na rin ng libreng gamot program ng gobyernong Duterte.
Sa katunayan, ipinabatid ni PCSO General Manager Alexander Baluta na halos P800-M na ang naipapalabas nila mula Enero hanggang Marso ng taong ito para sa confinement of hospitalization ng mga nagkakasakit na Pilipino.
Ayon kay Balutan, halos P365-M ang nagugol nila para sa chemotherapy ng 10,000 pasyenteng humingi ng tulong sa kanila sa unang tatlong (3) buwan ng taong ito, bukod pa sa P13-M na ayuda ng ahensya sa dialysis ng mahigit 1,000 pasyente.
Inihayag pa ni Balutan na malaking tulong ang pinalawak nilang operasyon ng STL o Small Town Lottery para mas marami pang Pilipino ang mabigyan ng tulong ng ahensya.
Kaya naman patuloy na hinihimok ni Balutan ang publiko na suportahan ang STL na tanging ligal na numbers game sa bansa.
By Judith Larino