Mahigit 41,000 pulis ang ipakakalat sa buong bansa ngayong holiday season.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, idi-deploy ang mga pulis sa mga pangunahing lansangan, simbahan, transportation terminals at tourist spots.
Simula December 15, wala na aniyang pulis na papayagan na mag-leave, upang matiyak ang seguridad ng publiko ngayong holiday season.
Sa ngayon aniya ay wala silang namo-monitor na banta ngunit posible pang mabago ang bilang ng deployment ng mga pulis depende sa pangangailangan ng isang lugar.
Pinag-iingat naman ng pnp ang publiko kaugnay sa online scams at iba pang krimen at pinayuhan ang mga ito na makipag-transaksyon lamang sa mga lehitimong shopping websites.