Umabot na sa 437,310 ang fully vaccinated na indibidwal sa Muntinlupa City laban sa Covid-19.
Sa tala ng City Health Office, lampas na ito sa target na populasyon na kailangang bakunahan o katumbas ng 114% ng target.
Pinakamarami ang nagmula sa barangay puli na may 163% vaccination rate o nasa 11,483 indibidwal.
Maliban dito, pumalo rin sa 84,896 ang nabigyan ng booster shots sa lungsod. —sa panulat ni Abby Malanday