Nangunguna ang mga kumpaniyang PAL o Philippine Airlines gayundin ang PLDT o Philippine Long Distance Telephone Company sa mga lumalabag sa batas paggawa sa bansa.
Ito ang inihayag ng DOLE o Department of Labor Kasunod ng kanilang kampaniyang sugpuin ang kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino.
Kasunod nito, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dahil sa kanilang masidhing pagbabantay, aabot na sa 45 libong empleyado ang regular na sa kanilang mga trabaho.
Pinakamarami sa mga ito ay mula sa Metro Manila, Central Luzon, Northern Mindanao, Davao at Caraga Regions.
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco