Aabot sa 45,721 outbound passengers at 35, 554 inbound passengers ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Batay sa abiso ng PCG, aabot sa 2,108 tauhan nila ang idineploy sa 15 distrito ng PCG.
Nakapag-inspeksyon ang mga ito ng 425 sasakyang-pandagat at 680 motorbancas.
Mula December 15, 2022 hanggang January 7, 2023 naka-heightened alert ang buong pwersa ng PCG para mabantayan ang dagsa ng mga pasaherong lalabas at papasok ng Metro Manila.